quiescent

October 1, 2013

Went to Center for Pop. Mga 2pm, dumiretso kami dun. Kasi nagpractice ako ng kanta, ung pang Election Jingle. Na-waw mali pa ko kasi akala ko ngayon din ung recording, pero joke lang pala. Sa Thursday pa pala. So un, practice. Medyo nakaka-haggard kasi paulit-ulit. Nakakasawa. Huehue.

Went to GT Tower, Makati (Toshiba) Ito pala ung dahilan kung bakit hindi ako makakapag recording, kasi may meeting si Mama sa Toshiba. Hahaha! Grabe, pag pasok ko palang dun sa building, gandang ganda na ko. Kulang na nga lang sumigaw na ko ng "Waaw, ang ganda naman sa Maynila!" pero alam ko namang hindi bagay sakin, dahil maliban sa ang ganda ko, naka-dress pa ko. Hahaha. Tapos un, umakyat na kami sa 42nd Flr, grabe, ang sakit ng tenga ko! Nag pop na dahil sobrang taas. Huhu. Tapos bigla kong narealize ung sarili ko, eh Advertising Company ung gusto kong pagtrabahuan, eh karamihan ng mga companies, nandun sa Makati, ganung set-up din. So, ganun ung mapupuntahan ko! Tahimik, malamig tapos kelangan formal ung damit ko. Omg omg omg. 

Snack at McDo. After namin sa nakakalulang GT Tower, dumiretso kami ng McDo, kasi kaharap lang naman. Wala lang, umuulan pa kasi, kaya pa-patay oras, nagsnack kami ni Madear. Tapos nagkwentuhan pa kami about sa career nya, especially nung office girl pa sya. Hahaha. Wala nakakatawa lang, takot din pala sya dun sa may kunyari meeting tapos mga panelist ung nasa harapan mo tapos magrereport ka para i-close ung isang deal. Hahaha. Un din kasi ung kinatatakutan ko pag nagtrabaho na ko! 

Makati-Dapitan Adventure time. Dahil nasa mood ang vibes naming dalawa ni Mama, imbes na mag-taxi pauwi, nag bus kami! Hahaha :”> First time ko ngang sumakay ng bus. As in, knowing Makati at mga 5 na un, so talagang kasabayan namin ung mga nagtatrabaho dun, tapos as in omg omg first time ko! Hahaha. Nakatayo pa nga kami, tapos nakakaenjoy mag-balance dun! Hahaha. Tapos ung ninja mode ka, pag may tumatayo, para mapalitan mo agad sila sa upuan! Hahaha! Tapos may babae pa dun na nagkekwento tungkol sa lovelife nya dun sa kasamahan nya, hahaha tawa ko ng tawa. Sabi pa nya "Ayoko ng ganun, 2 years and 7 months na pala kaming naglolokohan. No, iwan mo ko." mga ganun. Tapos ung nasa harap ko naman, magkatext sila nung gf nya tapos sabi nya "Patawad na mahal ko please." hahahaha mga taong to! Hahaha =))) 

Uso pa pala malalandi sa mga nagtatrabaho na? Hahaha. 

Tapos nun, bumaba kaming Taft, tapos sakay naman kami jeep! Ang saya saya, kwentuhan lang kami ng kwentuhan ni Mama. Tapos pag daan namin sa Lasalle, sabi ni Mama "Uy o ung dream school mo!" I know right Ma, I know right :”> 

Okay. So that’s what happened to the first day of October. Hay, goodluck to my whole October and to the months that would follow. :”> Hay, pero good luck bukas. Hahahahaha! Anong oras na, magchecheck palang ako ng assignment. Hahahaha. Ciao!

15 notes
  1. itshillaryanne posted this